About

Me, Smelling a Beautiful Flower in Baguio CityFollow Me on TikTok

Magandang buhay! Welcome sa munti kong tambayan online where I share ang mga natutunan ko mula sa kakabasa ng scientific journals at books written by medical doctors, natural medicine experts, nutritionists, visionaries, and superfood enthusiasts. I have a strong interest in subjects related to health and wellness (especially natural remedies), personal development, dogs, and cats.

Nasa bahay lang ako madalas — actually, since 2010 pa ako work-from-home. Halos 12 to 16 hours a day akong nakaharap sa computer. Mag-fou-fourty na ‘ko sa September 1 this year (2025). Dahil sa lack of exercise at kadalasan ay hindi healthy and aking nilalapes (kinakain), nagkaroon ako ng sciatica, neck arthritis, at ilang taon na ang nakalipas, nagka-gallstones din ako. Nasa lahi namin ang pagkakaroon ng bato sa apdo. Ang aking Muji (nanay) at Auntipara (tita) ay nagkaroon din ng gallstones. Taga Naic, Cavite nga pala ako.

Dahil sa nasabi kong health issues, at medyo nagkaka-edad na rin tayo, kaya medyo naging health conscious ako. Hindi naman ako hardcore, pero naging mas aware ako sa katawan ko, sa kinakain ko, sa pinapahid ko sa balat ko, at sa mga bagay na pinapapasok ko sa system ko—physically, mentally, and emotionally.

Ilan sa mga paborito kong libro:

Dissolving Illusions nina Dr. Suzanne Humphries at Roman Bystrianyk
Vitamin C: The Real Story nina Dr. Steve Hickey at Dr. Andrew Saul
Atomic Habits ni James Clear — grabe ‘to, sobrang useful!

Back to Homepage