Posted in

Dahon ng Papaya Para sa Dengue Fever: What Does The Science Say?

Ngayong taon (2025), sobrang tumaas ang mga kaso ng dengue dito sa’ting bansa. Ayon sa Department of Health o DOH, umakyat ito ng 75% kumpara noong nakaraang taon — nasa 95,000 cases na ang naitala. Mas nakakabahala pa, malaking bahagi ng pagtaas na ‘to ay nangyari agad sa first quarter ng taon, kung saan nagkaroon ng 73% na increase kumpara sa parehong panahon noong 2024. Ang good news, mas kaunti na ang namamatay dahil dito, pero nakakabahala pa rin ang dami ng kaso ng impeksyon.

Isa sa pinakanakakabahalang epekto ng dengue ay ang biglaang pagbaba ng platelet count, na puwedeng magdulot ng matinding pagdurugo at iba pang seryosong komplikasyon. Kaya naman maraming researchers ang naghahanap ng natural na remedies na puwedeng makatulong — at isa sa mga ito ay ang Carica papaya leaf extract. Iniimbestigahan ito dahil sa potential nitong magpa-boost ng platelet levels at makatulong sa pag-manage ng dengue symptoms.

Sa isang pag-aaral, sinubukan ng mga researcher kung paano makakatulong ang Carica papaya leaf extract sa isang 45-year-old na pasyenteng may dengue. Binigyan siya ng 25 mL ng extract dalawang beses sa isang araw sa loob ng limang sunod-sunod na araw. Bago pa man simulan ang treatment, sobrang baba na ng platelet count niya — pati na rin ang white blood cells at neutrophils, malayo sa normal.

Pero after just five days ng pag-inom ng extract, unti-unti nang bumuti ang lagay niya. Tumaas ang platelet count, at nag-improve din nang malaki ang white blood cell at neutrophil levels.

Matapos ‘yung unang case study, nag-level up ang mga researcher at gumawa ng mas malaki at mas detalyadong trial na may 228 dengue patients. This time, gusto nilang malaman kung talaga bang nakakatulong ang Carica papaya leaf juice sa pagpapataas ng platelet count sa mas malaking grupo. Hinati nila ang mga pasyente sa dalawang grupo: ‘yung isa binigyan ng papaya leaf juice sa loob ng tatlong sunod-sunod na araw, at ‘yung isa naman standard care lang ang natanggap. Gumawa sila ng blood tests every 8 hours sa loob ng 48 hours para ma-monitor ang platelet levels at iba pang importanteng blood markers. Bukod pa r’yan, nag-conduct din sila ng gene expression tests para malaman kung may epekto ba ang papaya leaf juice sa genetic level.

At ang resulta? Super promising! Sa group na uminom ng papaya leaf juice, tumaas nang malaki ang platelet count within just 40 hours. Samantalang ‘yung control group, walang gaanong improvement. Pagdating ng ika-40 at ika-48 oras, mas mataas na talaga ang platelet count ng papaya group kumpara sa kabila.

Mas naging interesting pa ‘to dahil lumabas sa gene studies na may dalawang genes — ALOX 12 at PTAFR — na mas naging active sa mga pasyenteng uminom ng juice. Ang genes na ‘to ay konektado sa inflammation at platelet production. Ang ALOX 12 ay nagpakita ng 15-fold increase, habang ang PTAFR naman ay tumaas ng higit 13 times. Ibig sabihin, puwedeng ang juice ay tumutulong sa katawan na labanan ang dengue through these genetic pathways.

Sa kabuuan, ipinapakita ng findings na ang Carica papaya leaf juice ay hindi lang basta-basta home remedy — puwede talaga itong maging powerful at abot-kayang paraan para makatulong sa recovery mula sa dengue. Nakakapagpataas ito ng platelet count at baka may epekto rin sa paraan ng pag-response ng genes natin sa infection. Siyempre, kailangan pa ng mas maraming research para maayos ang dosage at mas maintindihan kung paano talaga ito gumagana, pero sa ngayon, mukhang promising itong natural treatment na ito.

Kung nakatira ka sa lugar na madalas tamaan ng dengue, magandang idea na laging may nakaabang na papaya leaf supplement sa iyong emergency cabinet—lalo na kung nasa apartment ka o sa lugar na hindi puwedeng magtanim ng sariling halaman. Base sa mga nabasa at na-research ko, maganda at affordable ang brand na Swanson. Tip lang: puwede kang maka-save ng money kung gagamitin mo ang discount code ko na APT0317 kapag nag-checkout ka sa iHerb.com. Wala itong expiration, kaya puwede mo siyang gamitin kahit kailan ka mamili, at ng paulit-ulit.

Pero kahit nakakatulong ang papaya leaf extract sa recovery—lalo na sa pagpapataas ng platelet count—mahalaga pa rin na magpunta agad sa ospital kung may sintomas ka ng dengue. Mabilis itong lumala at puwedeng mauwi sa dengue hemorrhagic fever o dengue shock syndrome. Posibleng magdulot ito ng serious complications tulad ng internal bleeding, sobrang babang blood pressure, at pagkasira ng organs.

Makakatulong ang papaya leaf extract sa recovery mo, pero hindi ito kapalit ng tamang medikal na gamutan. Kailangan pa rin ng hospital treatment para ma-monitor ang vital signs mo, makapagbigay ng IV fluids, at maagapan ang anumang komplikasyon. Isipin mo na lang ang supplement bilang natural na suporta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *