Good news sa mga mahilig sa orange, dalandan, suha at calamansi juice!
According to a 2013 meta-analysis published in the Journal of Breast Cancer, ang mga babae na may mataas na intake ng citrus fruits ay may 10% lower risk of developing breast cancer.
Ang limang case-control studies na sinama sa analysis ay nagpapakita ng consistent results, at walang signs ng publication bias. Ang citrus fruits kasi ay rich in vitamin C, flavonoids, at limonoids — compounds na may anti-inflammatory at antioxidant properties.
Estrogen receptor-negative breast cancer is one of the more aggressive types, at mas mahirap din itong gamutin dahil wala itong hormone receptors na tinatarget ng usual treatments.
A large study involving 75,929 postmenopausal women, na na-publish sa US National Library of Medicine noong 2014, showed na mas mababa ang risk ng ganitong klaseng breast cancer sa mga babaeng kumakain ng mas maraming berries at peaches.
This is an observational study, though. Ang pag-aaral ay nagpapakita ng association. Puwedeng may iba pang factors na nakaapekto sa results (tulad ng lifestyle, genetics, exercise, etc.) na hindi nasukat o nakontrol sa study. Kaya, kailangan pa ng mas controlled na studies (tulad ng clinical trials) para masabing cause-and-effect talaga.
Mahilig ka rin ba sa avocado? Did you know na may’ron itong defensin — isang antimicrobial peptide na may potential laban sa cancer? In a 2016 in vitro study, nakita ng mga researcher na ang defensin mula sa avocado ay nakakapagpabagal sa growth ng breast cancer cells at nagti-trigger ng apoptosis — ito ‘yung proseso kung saan namamatay ang cancer cells without harming normal cells.
Pero lab-based pa lang ang study na ‘to, kaya large-scale human studies are needed to confirm the findings. Still, avocado remains a nutrient-packed fruit with good fats, folate, at antioxidants — kaya magandang idagdag ito sa regular diet natin.
-
11 Fruits That May Lower Blood Pressure, According to Research
-
8 Things You Should Do Kapag Matamlay at Walang Gana Kumain ang Pusa Mo
-
Mga Mainam na Prutas for Breast Cancer Prevention Backed by Limited Studies
-
Effective Ba Talaga ang Repolyo Para sa Arthritis? What Does The Science Say?
-
Dahon ng Papaya Para sa Dengue Fever: What Does The Science Say?