Sa isang randomized controlled trial published in 2016, 81 patients na may stage 2 – 3 na knee osteoarthritis ang pinasali sa isang buwang treatment gamit ang alinman sa tatlong options: topical pain gel (10 mg diclofenac gel, once a day), cabbage leaf wraps (at least dalawang oras kada araw), o kaya ay yung usual na pangkaraniwang care lang.
Generally, maganda ang naging pagtanggap ng mga pasyente sa treatment options. At ayon sa resulta, mas gumaan ang pakiramdam at physical function ng mga gumamit ng cabbage leaf wraps kumpara sa mga naka-usual care lang. Mas tumaas rin ang quality of life nila. Pero sa lahat ng groups, yung gumamit ng diclofenac gel araw-araw pa rin ang may pinakamagandang resulta.
Posibleng dahil ito sa antioxidant at anti-inflammatory properties ng repolyo. May isang study mula sa Asian Pacific Journal of Cancer Prevention noong 2014 na nag-explore sa nutrients ng iba’t ibang klase ng cabbage. Lumabas na ang red cabbage ang may pinakamaraming antioxidants, sumunod ang Savoy, Chinese, at green cabbage. Pero pagdating sa anti-inflammatory properties, mas mataas naman ang levels sa Chinese, Savoy, at green cabbage kaysa sa red cabbage. Ibig sabihin, ang repolyo ay may potential na maging natural remedy sa mga chronic illness na dulot ng oxidative stress.
Dagdag pa rito, may animal studies na nagpapakita na ang pagkain ng cruciferous vegetables tulad ng broccoli, kale, at repolyo ay nakakapagpababa ng proinflammatory markers sa katawan ng tao.
Bukod pa doon, mataas din ang cruciferous vegetables sa isang sulfur-rich compound na tinatawag na sulforaphane. Ayon sa isang article mula sa National Library of Medicine, ang sulforaphane ay epektibong nagba-block ng inflammation na pwedeng magdulot ng pagkasira ng cartilage sa mga may osteoarthritis.
Ang isothiocyanates ay mga natural na compound na makikita sa cruciferous vegetables tulad ng broccoli, repolyo, kale, at cauliflower na may anti-inflammatory properties. Ang synovial fluid naman ay ang likido na nasa loob ng joints na tumutulong sa pagpapadulas at proteksyon ng mga kasukasuan habang gumagalaw. May isang research na nagpapakita kapag kumain ka ng cruciferous vegetables, may posibilidad na ang isothiocyanates ay makapasok sa iyong synovial fluid. Posibleng ito ang dahilan kung bakit nakakabuti ito para sa mga taong may joint problems o osteoarthritis, dahil nakakarating mismo ang anti-inflammatory compounds sa mismong bahagi ng kasukasuan.
Maganda ang resulta ng mga pag-aaral na nabanggit, pero kailangan pa rin ng mas maraming research with large human subjects para ma-validate nang lubos ang bisa ng cabbage leaf wraps at pagkain ng cruciferous vegetables sa pag-manage ng arthritis symptoms.
-
11 Fruits That May Lower Blood Pressure, According to Research
-
8 Things You Should Do Kapag Matamlay at Walang Gana Kumain ang Pusa Mo
-
Mga Mainam na Prutas for Breast Cancer Prevention Backed by Limited Studies
-
Effective Ba Talaga ang Repolyo Para sa Arthritis? What Does The Science Say?
-
Dahon ng Papaya Para sa Dengue Fever: What Does The Science Say?